PLS LANG WAG IPASA ANG ESTUDYANTE NYO KUNG WALA NAMANG NATUTUTUNAN

To all teachers out there! PLS LANG! PARANG AWA NYO NA! WAG NYONG IPASA ANG ESTUDYANTE KUNG WALA NAMANG NATUTUTUNAN! IBAGSAK NYO KUNG PWEDE PARA MATUTO.

Sobrang nakakafrustrate na kasi. May workmate ako, senior high graduate, so, syempre expected ko na kahit man lang basic math at basic words alam nya. PERO HINDI! mga trabaho nya ako lagi sumasalo kasi di nya magawa ng tama. ako pa ang mamomroblema. WAG NYONG SABIHING "EDI TURUAN MO PARA MATUTO" Besh, ilang beses ko na ginawa yon pero puros "OO" lang sagot nya tapos pagtinanong if alam na ba nya, sasaguting ka lang ng "OO" pero pag ipagawa mo sa kanya, mali-mali pa rin. wala syang ibang alam gawin kundi ang magcellphone at magpaganda.

KAYA PLS LANG SA MGA TEACHERS, WAG NYO PONG IPASA ESTUDYANTE NYO IF WALA NAMANG NATUTUTUNAN. PATI DIN SA MGA MAGULANG, I-ASSESS NYO DIN ANAK NYO IF MAY NATUTUTUNAN BA SYA O ANO GINAGAWA NYA SA ESKWELAHAN, HINDI YONG MAGAGALIT KAYO KASI IBINAGSAK NG GURO NILA. PRAMIS, HINDI LANG ANAK NYO ANG MAHIHIRAPAN MAGHANAP NG TRABAHO DAHIL WALA SYANG ALAM, KUNDI PATI NA RIN MGA KAWORKMATES NYA DAHIL PURO BACKJOB NAGING TRABAHO NG ANAK NYO.

PS. MAHABA PO ANG PASENSYA KO AT PAG-INTINDI SA LAHAT NG BAGAY PERO NAUUBOS DIN PO YON.