i wanna feel again

mga post pandemic(mga mid 20s ako dito) favorite ko tlga pag umuulan kasi ang serene ng feeling. Pero ngayon bakit parang "ulan" nalang pakiramdam like ordinary nlng wala n ung serenity feels.

Dati tuwing may nagagawa akong productive i feel proud sa sarili ko at accomplished, ngayon parang walang nafefeel n gnun prang on to the next. Gnun

Dati naaapreciate ko beauty ng paligid tuwing gumagala, ngayon parang normal nlng.

Dati naeexcite pg dumating n parcel ng shopee/lazada ngayon prang normal lng ksi kelangan ko nmn tlga un.

Dati ang enthusiastic ko pg magsisimula ng hobby like bike, running, gym, reading gnun tlgang nonood ako ng vids about dun, excited iapply natutunan. Ngayon tinatamad n magexercise at magbasa.

Even computer games, eto tlga, i call myself as a gamer. Dati tlgang mga little details sa laro binubusisi ko, naiimmerse ako sa world nung game. Ngayon wala n ung gnung feels, naeenjoy ko parin pero prang may kulang na.

Madami pa pero d ko maisip sa ngayon. Di naman ako malungkot, tumatawa naman ako pg may nakakatawa, umiiyak pg may nkakaiyak, natatakot pg may nakakatakot, pero prang ang dull n ng feeling.

Di ko alam kung kelan nagsimula to or pano nawala ung feeling pero parang paonti onti ata nawala.

Tumanda lang ba ako? Part b to ng growing up? Or may mali b sakin and if may mali, what to do?