"lumayas na kayo rito"

Every time may alitan sa bahay nagtatapos arguments ng nanay o tatay ko sa mga linyang 'yan hahaha. Nakakapuno rin pala palibhasa alam nila di ko pa magawa ngayon. May trabaho naman ako (25F) and iniisip na to move out by next year (hopefully!). Nakakarindi na kasi tapos palaging they'll play the card na ang sama kong anak kapag sumasagot ako as if they were really emotionally available when I was growing up. Hindi ko sila entirely sinisisi or held responsible sa kung ano ako ngayon pero hindi ba nila naisip na may factor yung kinalakihan kong environment? They were your typical parents na akala 100% pagmamahal na yung pinakain at pinag-aral ka.