Got my license but lost my friends along the way
Just want to let this out. I recently passed the PNLE and got my RN license but I lost my friends hahaha.
For context, I took the board exam alone. Walang ibang may alam bukod sa fam ko. Hindi alam ng friends ko at hindi ko rin sinabi since ako lang naman ang nag take sa amin and ayaw ko rin ng pressure. 6 kami sa circle. Wala silang balak mag take because they have the privilege (U know what I mean?). Pwede silang wag na magwork kasi may family member na nagbibigay ng luho and all sa kanila.
So ayun na nga, nalaman nila na nag take ako ng PNLE days after the exam. Kilala ko kung sinong nagsabi na batchmate namin. Naffrustrate talaga ako. And now hindi na nila ako pinapansin. Thank God pumasa ako kasi hindi ko alam kung kakayanin ko ba if ever man na hindi ako nakapasa. Baka mas marami akong marinig from them if ever bumagsak ako. Inabangan din pala nila yung result, someone from my cof send me a ss of my name na kasama sa passers.
I passed yet I didn't receive any congratulations from them. Idk. Hindi ba pwedeng maging masaya para sa achievement ng iba. Lalo na if naging friend mo naman. Hindi na rin ako nagmessage since wala rin naman akong nakukuhang response from them. Hindi ko alam if nacut off ba ako or what hahaha. Pero I'm super at peace while reviewing kaya for me it is worth it na hindi ko sinabi sa kanila. Grabe rin kasi silang mang pressure pero sasabihin nila 'no pressure ha' lol.
Now, here I am, RN na pero wala nang friends HAHAHAHA. It was the best 4 years of nursing with them yet nawala lang lahat dahil nga nag take ako. Sometimes, naiinggit ako sa iba naming classmates na sama sama pa ring nag jo-job hunt 🥲