pinakain ko ng masarap ng ulam, binigyang ng pera, mamahaling damit. pero ninkawan parin ako ng pinsan ko.

may pinsan ako na sa aking bahay lang nakakain ng masarap na ulam, nangdahil sa akin lang nakakahawak ng pera na malaki kasi binibigyan ko, mga mahahaling gamit at cellphone, tapos ninakawan pa rin ako.
at nung iniwasan ko siya, nag ra rants at binabastos na ako sa social media.

warn na pala yung gusto siyang ipa kulong ng mismong nanay niya kasi nagnakaw at binenta niya mga gamit nila sa kanilang bahay.
pero dahil wala na siyang ama at sa awa kinupkop ko pa din siya kasi sabi niya wala na siya ma aasahan sa buhay niya.
namamalayan ko na nag nakaw siya ng pera dahil nawawalan ako, nung tumira siya sa amin dahil sembreak sinadya ko talagan nilagay ang wallet ko sa table ko at binilang ko talaga ang pera, if makukulangan ito kahit hindi kita mahuhuli, 101% magnanakaw siya talaga, kinaumagahan nawalan nga. tapos nun ayaw ko magka gulo. mas pinili ko nalang tumahimik hindi magsalita na nawawalan ng pera ang wallet ko para hindi na lumaki ang gulo baka masampal siya ng misis ko. antayin nalang pag umalis na siya sa bahay at hindi na siya pababalikin pa dito,
sabi pa niya sa akin marami daw gusto magpa trabaho sa kanya ng Online Job pero alam ko na motibo nito.
noong umuwi na siya eh agad agad siya maraming post na may online job daw siya, may client daw siya nag post ng reels about sa online job kuno niya (pero nakaw sa instagram yung reels) pa as if niya lang na may alibi siya na marami siyang pera kasi may online job siya.
pero pinabayaan ko lang siya kasi alam kong ma uubos din yung pera.
nung una ako lang talaga ang nakaka alam na nagnakaw siya ng pera, hindi ko muna sinabi sa misis ko hanggang sa maka alis siya ng bahay mga ilang araw, tapos nun tinanong ako ng misis ko kung bat ayaw kong pabalikin yung pinsan ko, sinabi ko sa kanya ninakawan kami ng pinsan ko ng pera sa wallet ko. sa sobrang galit misis ko in unfriend niya sa social media yung magnanakaw.
namamalayan niyang hindi ko na siya minimessage sa messenger tas nkakahalata na siyang iniiwasan na namin siya nalaman rin niya na unfriend na siya sa social media at doon na nga, ang dami na niyang RANTS at pampababastos/iinsulto sa social media.
at isa lang sa maraming rason ang pagnanakaw niya na dahilan ng pag iwas ko. na hahalata ko din na isa siyang psychopath, may anak kasi ako, sinama ko siya sa plaza namin dito para mamasyal may nakita kaming bata na edad 5 years old na street wise na, na amazed ako sa bata na yun pero yung pinsan kong magnanakaw hinila niya yung 5 years old na bata na hindi namin kilala o ka ano ano, sabay sinaktan niya yung kamay hanggang sa umiyak. buti nalang hindi nag sumbong sa magulang kung hindi kulongan talaga bagsak ng magnanakaw na yun. tinanong ko siya kung bat niya sinaktan yung bata, sabi niya nang gigil daw siya.
napa sa isip ko agad agad na baka magawa niya yung mga ganun sa mga anak ko, talagang iiwasan at hindi na talaga to makakabalik. nangyari din ito day after siya nag nakaw ng pera.