Don’t get married!!!!!
Tangina. I am married to a video game addict.
Sobrang draining.
Mag isa kang babangon sa umaga kasi puyat pa kakalaro. Mag isa kang matutulog sa kama kasi naglalaro pa. Pag kumain ka, para kang mag isa lang din kasi di mo naman makausap dahil routine niya daw manood habang kumakain. Buong araw, di mo makakausap kasi naka headphones pa yan habang naglalaro. Magagalit pa kapag kinausap mo saglit tapos namatay siya sa game. Pag kinausap mo about it, ikaw pa masama, ikaw pa nakakaistorbo. Sabihan ka pang ako dahilan bakit siya natatalo.
Hindi man lang nga ako mailabas nito kahit umamoy lang ng sariwang hangin. Kapag may gusto akong puntahan or mag unwind, parents ko pa kasama ko kasi mas pipiliin niya maiwan sa bahay para mag laro.
Nababadtrip kapag sinasama ko sa trips, di naman daw niya hinihingi kaya di niya kailangan maging grateful. Mas gugustuhin niya pang maglaro kesa mag travel. Galit sakin buong duration ng trip.
It feels almost as if I married a kid (this statement sounds so wrong ???? but I know ykwim)
Akala ko magiging masaya. Akala ko same kami ng trip sa buhay. Pero parang hindi pala. Wala kaming activity na naeenjoy together. Wala kaming araw per week na allotted sa isa’t isa lang. Di niya gusto yun eh.
Gago, para kong kinasal sa robot.
Kahit akala mo kilala mo na, di pa din pala. It’s like I’m with a stranger. Tangina sex nga namin swerte na maka 3 sa isang buwan. To think bagong kasal pa lang kami ha. Honeymoon phase pa dapat to. Pero wala kulang na lang pati laptop niya kantutin niya.
Walang masaya sa pagiging asawa. Traumatizing kasi wala na, stuck ka na forever. Don’t get into that type of commitment. I’m crying so hard while typing this. I have a very sad life pala.
DON’T GET MARRIED PLEASE