22k vs. 35k Salary (Help me decide) :(
Hi, I recently got a chance na umalis sa current company ko (Pasay City). I passed my Final Interview kahapon (Quezon City) sa work na mas malapit sakin and they are asking me kung kelan ako pwedeng mag start and aware naman sila na I'm still presently employed.
So eto na, yung sa salary daw since probi palang ako and may trainings pa daw is ang offer is 22k and ibibigay nila yung asking ko na 25k after 6 months if ok yung performance ko and na regular ako.
My dilemma is, gustong gusto ko ng umalis sa current company (35k) kaso parang hindi kakayanin masustain yung life style and financial responsibilities ko if tanggapin ko yung offer.
Sa ngayon mas nangingibabaw sakin na mag resign kasi super toxic talaga ng environment ko. Bigyan niyo naman ako ng advice please.
P.s. may binabayaran ako na car. So ayun :( help a friend