I'm selling my house to get rid off my parents. Masama ba akong anak?
For context:
Inampon ako ng grandparents ko nung 8 ako, and since 14 yrs old, mag isa na talaga ako sa buhay. Yung biological parents ko, hindi rin ako sinoportahan since. Ni moral support wala, so financially, wala rin.
5 yrs ago, gusto ko bumili ng bahay. Meron konting ipon, meron din work, and meron din work asawa ko. Excited akong sinabi sa biological parents ko kasi meron pa rin kaming communication. Pero puro negative ang sinabi sakin. Wala akong alam as homeowner, or masyado akong Bata to be homeowner, or this isn't a good idea. I was 23 that time. Anyways, hindi ako nakinig, and I still bought a property.
Fast forward later, nakitira sila sa amin kasi meron silang financial difficulties, and since parents ko pa rin sila, I let them stay. Kami ng asawa ko, kinonvert namin yung garage to look like a room. Parents ko kinuwa 2 rooms. Simula ng lumipat sila, they try to take control of the house. Nag re arrange sa kusina, nag re arrange sa yard, Pati mga tools ko sa bodega ni re arrange. Wala daw kasi akong alam sa bahay. Yung mga gamit ko daw puro pang binata at hindi pang family.
Anyways, mag 3 yrs na and andito pa rin sila. Meron silang stable job, and ako, nahihirapan mag bayad ng bahay kasi nag quit ako sa job ko to start a small business. Dream ko kasi maging businessman. And puro talk sh#t parin sila kasi ano daw alam ko sa business business. Toxic parents ko sakin, and I still don't receive any support from them. I just want a little bit of moral support sa ginagawa ko kasi parents ko pa rin sila. Pero ubos na yung pag pasensya ko, and yung love, wala na rin.
So eto ako, kinausap ko sila last weekend that they need to find an apartment kasi I will sell the house na. Hindi ko na sinabi yung reason, pero ang reason talaga is to go far away from them. Alam ko filipino culture na magbayad ng utang na loob, pero nag work ako 3 jobs para mapag aral ko sarili ko. Ni singkong duling wala akong nakuwa sakanila. Naalala ko nun, nung college ako hirap ako magbayad ng apartment, lahat ng friends ko sa facebook minessage ko para mangutang, makapag tapos lang, kasi yung tatlong part time job kulang pa rin, tapos sineen lang ako. Meron mga nagpautang pero parents ko wala.
Yung family ko, naiintidihan nila situation ko pero naiinis ako kasi lagi nilang sinasabi ng parents mo pa rin sila. Kahit nung college ako, minamaliit course ko kasi Economics kinuwa ko. Business kasi pangarap ko, and masyado maliit tingin nila sakin. Sorry for the long read, I just need to put everything in here.
.......
Update: may mga nag memessage at nag popost pa rin dito na mag bigay daw ako ng update. May pinost po ako na update.