Anong mga memories ang naaalala nyo sa mga pictures na to? Kaway kaway sa mga tito at tita, at may asawa't anak na dyan. Kamusta na kayo ngayon?
Early days ng facebook sa pinas around 2008-2009 (palubog na din ang friendster nito).
Panahong hindi pa toxic ang social media. Walang mga influencers, content creators, etc.
Sobrang daming nahumaling sa mga larong to na halos ito ang makikita mo sa mga computer shops noon. Simula sa bata hanggang sa mga matatanda, posibleng may karanasan sa paglalaro nito.
Masaya na tayo na mag bukas ng mga facebook account natin para maglaro ng mga to.
Pero lahat, lumilipas, nalalaos. Nagiging alaala na lang.
Naging parang telibisyon na nagpapakain satin ng mga negative vibes yung dating palaruan natin. Na patok na patok at kinakagat naman ngayon ng karamihan.
Ikaw? Ano ang kina adikan mo noon kung naabutan mo man yung era nato?
Anong istorya mo?