Celebrating small wins is important

Kumusta? Dapat natin icelebrate yung mga small wins natin. Like for example, may natapos kang project na ilang days mo ginagawa, deserve mo ng massage or 2 to 3 hours na chill na pahinga, o kaya naman may ginogoal ka na amount na iniipon and nareach mo yun. Bilhan mo yung sarili mo ng gusto mo as a token of appreciation. Narealize ko lang na importante na icelebrate yung mga small wins para magkaroon lalo ng motivation to move forward sa mga bagay na gusto natin maabot. Kasi kung grind at puro hardwork lang ginagawa natin sa buhay. Pagod, stress at anxiety lang makukuha natin dun. Kaya let's celebrate our small wins.

So kapopost ko lang kahapon na nakaipon na ko ng first 100k at my 30. So para icelebrate yun. Bibili ako ng liptint at backpack sa orange app. Next time na yun bagong cellphone. Ipon muna ako. Hahahaha.

Kayo? Pano nyo cinecelebrate small wins nyo sa buhay?