Ano ginagawa nyo to keep yourself healthy?

Share ko lang dito. Last october nagkaroon ako ng trangkaso. Sobrang sad ko kasi di ako nakapagcelebrate ng birthday ko ng maayos. Nagpacheck up ako sa pulmonologist, kaya lang yung binigay sa akin na gamot parang natriggered yung anxiety ko. Here comes November, di ako nagkaperiod so very unsual sa akin dahil sobrang regular ako. Nagpacheck up ako sa OB and ang advice lang sakin is magwait muna dahil wala pa naman 2months? Pinagsupplement lang ako. So inadvice ako ng sister ko na ipacheck up yung thyroid panel ko. And I did. Sabog sabog thyroid hormones ko which is the reason bakit di ako nagkakaperiod and malala ang anxiety. Binigyan lang ako ng endo ko ng beta-blockers and need to 2 weeks waiting time para maglaboraty ulit. After 2 weeks, nagpalaboratory ulit and follow up check up. Normal na ulit yung thyroid panel ko. And sabi ni doc magaling na ako. Huhuhu. Sana mawala na rin yung pag ooverthink ko and yung naglilinger na anxiety ko from time to time. Para back on track na ko ulit. So as an adult ano ginagawa nyo para healthy?

PS. Get yourself check pag may nararamdaman kayo na kakaiba sa katawan nyo. Prevention is better than cure talaga.