Pano niyo natanggap na adult na kayo?
Hindi ako sure ano yung ilalagay ko sa title pero yun na nga. I am 22 years old ngayon, nagstart ako magtrabaho last year lang and in a span of 1 year naka 2 companies na agad ako kasi pakiramdam ko di ko kaya yung ganong routin all my life.
I realized na stuck parin ako sa high school life ko. Nung nagtrabaho ako sobrang nagsisisi ako na masyado akong nagfocus sa pag-aaral lang at hindi ko in-enjoy yung moment ko bilang student, yung makipagkaibigan, yung pagtanggap na magkakamali ako at puwede pakong bumawi.
Gabi-gabi ako nag-i-imagine na high school ulit ako and may friends ako to celebrate my small achievements. Nahihirapan ako pako harapin yung fact na adult nako, hindi ko pa yata matanggap kaya ako ganito.
Gusto kong tanggapin yung reality and start a new next year. I want to start and face 2025 nang may acceptance sa reality and pagtanggap sa sarili ko na I am no longer in high school and I have already started my adulting phase.
Please don't judge. Ayoko magrely lang sa motivation kong pang madaling araw lang tapos kinabukasan wala na.
So, ask ko lang, pano niyo hinarap yung ganitong stage or anong mga ginawa or ni-remind niyo lagi sa sarili para matanggap na adult na kayo?
Salamat po sa sasagot 🥹.