Paano kayo nagse-set ng boundaries sa friends ng mga jowa niyo?

The problem: 14 days mag gagala si boyfriend sa South Korea with college friends. Sa 14 days na yun, 12 days na silang dalawa lang mag gagala ni female friend kasi may work yung dalawa nilang kasama.

Mind you, napag awayan na namin before itong si female friend kasi original plan nila dati mag Airbnb na silang dalawa lang sa South Korea. So syempre, bwisit na bwisit ako kasi sino matinong gagawa nun? Hahaha! Babae at lalaki 14 days sa isang Airbnb? Ano gagawin niyo doon pag gabi? Mag tititigan? Hahahaha! Anyway, hindi ito napush kasi may extra room sa bahay ng friends nila. Doon nalang sila nag stay.

What I’ve tried so far: Nung una palang na planong Airbnb nasabi ko na sa bf ko na ‘I feel disrespected’, na sana manlang mag set siya ng boundaries sa female friends niya. Pero ngayon, I feel so betrayed na silang dalawa lang pala mostly magkasama sa whole trip since may work yung dalawang kasama. Hindi nga tinuloy yung Airbnb, pero magka ‘date’ naman pala lagi :(

What advice I need: Paano kayo nagse-set ng boundaries sa friends ng mga jowa niyo? Kasi pakiramdam ko sobrang selosa na ko. Nababaliw na ko kakaisip.