Gusto ko padin ibalik yung interest ko sa kanya.
Problem/Goal: Pano ba maibabalik yung interest sa isang tao kapag pakiramdam mo parang nawawala na?
Context:
Kahapon naganap yung 1st date ever ko. Okay naman naman kami kapag nagchchat at vc. Sa di mawaring dahilan eh etong si girl eh bigla na lang akong iniiwasan the whole time pagkadating namin sa sinehan para bumili sana ng ticket. Para akong tanga na habol ng habol sa kanya sa loob at labas ng Mall, habang sinusundan ko sya, tinatanong ko kung ano problema, lagi nya lang sinasabi na, "Wala." Sinabihan nya pa ako na, "Dun ka muna mag-uunwind lang ako." Kaya ginawa ko pumirme muna ako sa labas para bigyan sya ng time to "unwind".
Habang nasa labas ako, nag-order na muna ako ng Pizza sa labas para sana kainin namin. Chinat ko sya kung ok na ba or what, sagot nya is, "idk". Hanggang sa naihain na yung order at chinachat ko na sya kung asan na sya. Sabi nya lalabas daw sya. Hintay ako ng hintay hanggang sa di na ko makatiis sa gutom dahil 8am palang andun na ko. Ang usapan namin 9am kami magkikita pero 11am na sya nakarating. But since 10am pa yung bukas ng Mall kaya pinabayaan ko nalang. Habang kumakain ako eh bumalik sa alaala ko yung mga store staffs sa loob ng Mall pati ung Guard sakin na halos pagtinginan na kami na parang bang may nagawa akong kasalanan gawa nga na sunod ako ng sunod sa girl that time. Nagchchat sya sakin kung nasan nadaw ba ako kesho nasa labas daw sya pero tingin na ko ng tingin sa labas di ko naman sya nakikita. Sa sobrang inis ko nun, iniwanan ko nalang ung Pizza na inorder ko sabay sakay sa Bus pauwi.
Galing pa kong Manila going to Baliuag just to see her tapos ganun lang mangyayari. Worst experience at trauma talaga. Nag sorry naman sya sa ginawa nya kesho nahihiya daw talaga sya nung time na yun. Ang di ko maintindihan bakit kelangang umiwas? Pwede namang pag-usapan ng maayos? Now after that incident, nagchchat padin naman kami pero parang nawawalan na ko ng interest sa kanya. Ayoko namang i-cut ung communication na meron kami. Sobrang na-attach na talaga kasi ako sa kanya.
Can u help me?