Malasakit sa Company pero wala Malasakit sa Employees.
I onced work for one of the top PH companies. Motto nila malasakit. Noong una, ok pa. Ganda ng benefits. Then habang lumilipas ang panahon, dumadami ang workload, binabawasan overtime. Dumating sa point na 6am to 3pm shift mo, pero OTY till 7pm. Yes, totally dumating sa point na wala na talagang bayad ang OT.
Katwiran nila doon, wala nang budget ang company. Later on, nagka jowa ako ng isa sa mga boss, nalaman ko na kaya pala wala na bayad ang OT, may pa contest pala ang upper management sa mga managers ng bawat branch. Kung sino ang may pinakamababang operating expenses for the whole year, may incentive.
Sobrang stressful ng work, maghapon customer facing, then marami pa back office tasks. And since utility company ito, 24/7 pede ka tawagan ng customer kapag may problema. Literal na kahit nasa boracay ka, tatawagan ka.
One time, nag react kami, kasi hindi na healthy yung tasks, environment, sana man lang may overtime pay. Ang sagot ng manager namin? Malasakit na lang daw namin sa kumpanya.
May experience pa nga ako na kakatapos ko lang operahan, literal na kakalabas ko lang ng operating room, tumawag boss ko at tinatanong kung makakapasok na ako kinabukasan. May kasamahan din ako, kakapanganak lang, after two weeks, pede ba daw icut short muna ang maternity leave niya dahil ang daming trabaho sa office.
Summer outing, Christmas party, ambagan, kasi hindi nagbibigay ng budget ang head office. Tas itong mga TL at manager, porke sila malalaki suweldo, sasabihin, o tig 2k, 3k tayo sa sharing. Amf, di bale kung ang lalaki ng suweldo namin. Hindi naman.
Yearly increase, dugo na iniihi at pawis mo sa sobrang stress, level 1, 900 per year lang increase. Yung mga naka level 3, nasa 400 per year lang increase.
14 years, nag simula ako sa minimum Manila rate noon na 6k. Umalis ako na 18k lang suweldo ko. Nagtagal ako, oo, kasi enjoy pa noong una, saka nag lovelife once upon a time, hahaha. Pero nung hindi na kaya ng gastusin, naku.
Natauhan na lang ako bigla isang araw, kahit wala pa ako inaapplyan na bago work, nagresign na lang ako bigla. Na-realize ko, walang liwanag ang buhay sa kumpanyang to. Pangalan lang ang bigatin. Walang malasakit sa empleyado.