No 13th month pay abroad pero may may (konting) year-end/Christmas bonus or gift. Ano gift or magkano narereceive nyo and what country?

Curious lang, knowing hindi ganun kabongga mag bigay ng gift/bonus masyado ibang companies na napasukan ko dito sa Canada. Just wondering if ganun din ba sa iba? hehe

10 years in Canada, naka 9 companies napagtrabahuhan ko, 5 lang yung nakaranas ako ng gift/bonus the rest di ko alam ano ganap kasi di ako umabot ng pasko/new year season doon. Ito binigay ng 5 companies na yun:

Company A: Coffee Mug with $20 gift card sa isang coffee shop + party / pakain

Company B: $5 coffee gift card (grabe, talagang isang pangkape lang haha) and holiday card/letter

Company C: $10 coffee gift card (at least eto kahit pano makakaorder pa ng donut haha) and holiday card/letter

Company D: $250 cheque. Nagulat ako first time ko and malaki na sobra sakin to. Ang generous lang haha. + Lunch out sa isang fine dining restau. Nice!

Company E: Isang box ng chocolates (yung mga tig $10 sa grocery) + party pero potluck, di sagot ng company

The rest, wala party/celebration.

Wala lang, nakakamiss lang yung mga pa-cash gift and noche buena package gift sa Pinas. <3