I despise Philippines education system
Ayaw na ayaw ko na dito sa Public school. I'm currently a Grade 10 student. Nagtransfer ako sa public Ng Grade 8. So panghapon sched ko (12:30-6:45pm). Hanggang grade 9 panghapon. Then now, pangumaga!!! 6:00 am to 12:20!! Nakakagago lang Kasi 2 years sinanay na panghapon then suddenly ganto!!! I work better sa gabi so I really love the panghapon set up kaso Ang hirap Ngayon. Tapos Ang hirap din mag absent pag may sakit Kasi andami mong hahabulin. It's currently 2:06am. Gumagawa ako since 9pm. And anlayo ko pa matapos. Yung sleep sched ko din sobrang sira. Pag uwi ko sa school, tulog ako. So 1 makakauwi ako. Soon after nun tulog ako. Magigising ako mga 7. Then simula dun ni ako matutulog Kasi andami gagawin. Swerte na lang talaga ako pag nakatulog pa ako Ng 2-3 hours. Nakakainis lang.
Edit: Clarification lang po hehe. Diagnosed po ako Ng insomnia Nung 12 ako, same time din po na diagnosed ako with ADHD. Nahihirapan po ako sa sched dahil po Kasi laking private po ako. Lumipat po ako sa public for experience. Na culture shock po ako but soon nasanay sa panghapon sched. Nung bigla po naging 6am Yung class since nasanay sa hapon, nabigla po katawan ko and nahihirapan po ako Lalo mag adjust. I have other health issues po kaya nahihirapan po talaga ako sa gantong sched. Ilang beses na po ako nadala sa clinic. So yes po, magtratransfer din po ako Ng school. Tinatapos ko lang po Yung junior high. And yes mas maaga din po pasok ko every Monday dahil po sa flag ceremony (5:45) Regarding Naman po sa time management, nahihirapan po ako due to insomia ko din po. I use to take sleeping pills but due sa Isang incident, di na po ako pinagtatake. Thank you po sa mga comments <333
Edit 2: Haloooo!! I think we shouldn't compare po too much na who had it harder and such. It's both hard po tbh. I experienced din po dati Yung 7am-3pm as a former private school student. Ngayon lang po mas harder Mula sa madaming pinapagawa po hehe. Madaming quiz and projects din po. Groupings din po and mga ginagawa sa school itself po hehe. Anyways thank you pa din po sa comments!! Hope you have a good day po!!!
Edit 3: Ngayon ko lang nare-read post ko, I realize mali Yung time stamps 😭😭😭 sinulat ko po Yan inaantok ako. 1 makakauwi ako but that depends Kasi kadalasan po may pinuntahan after class. For example po practice. Tapos Yung 9 po ako gumawa, may nilakad po Kasi ako kahapon with family ko po and late na po kami nakauwi. Usually start ko po is 1 hour after ko magising. let's say 6 magising ako. Maligo po ako and eat. Then mga 7 na po ako start. Ganyan po lucky days ko na walang practice or groupings or dinaanan Bago umuwi.